Pagharang ni Pangulong Duterte sa iregularidad sa 2019 national budget suportado ni Lacson

0
63

Suportado ni Senador Panfilo Lacson ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin nito sa pamamagitan ng veto power ang makikitang iregularidad sa 2019 national budget.

Sinabi ni Lacson, Vice Chair ng Senate Finance Committee na tatamaan ng veto power ng pangulo ang lump sum findings na ginawa ng Kamara.

Hindi naman kumbinsido si Lacson sa panukala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ibalik sa Bicameral Conference Committee ang isyu ng budget.

Posible aniyang may legal issue rito dahil ratified na ang pambansang pondo at hindi na maaaring isalang muli sa Bicam.