Tuesday, May 7, 2024

Paghahanda sa decommissioning sa mahigit 12,000 miyembro ng MILF inihahanda na

- Advertisement -

Nagsimula na ang paghahanda para sa decommissioning ng mahigit 12,000 mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ngayong taon.

Kasunod ito isinagawang dalawang araw na pagtitipon ng JNC o Joint Normalization Committee ng gobyerno, MILF at ilang international partners sa Island Garden of Samal City.

Ayon kay Ariel Hernandez, chairman ng JNC ng gobyerno, nagkakaisa ang komite para sa mas mabilis na implementasyon ng normalization track sa ilalim ng CAB o Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Binigyang diin naman ni Eduard Guerra, chairman ng JNC ng MILF, ang matatag na partnership ang siyang susi para maayos na mapagtagumpayan ang normalization process.

Ang normalization process ay pagbaba ng armas ng mga miyembro ng MILF at transpormasyon ng anim na kampo ng MILF para maging mapayapang komunidad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img