34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Paggunita sa anibersaryo ng martial law naging mapayapa — PNP

- Advertisement -

Pangkalahatang naging mapayapa ang paggunita sa ika-46 na anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar kahapon.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), wala namang naitalang anumang kaguluhan na may kinalaman sa mga ikinasang protesta.

Pinahintulutan ng PNP na maghayag ng kanilang saloobin ang mga raliyista na batay anila sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang mga ito kahit na walang mga permit.

Una rito, lumutang ang mga balitang makikilahok sa mga pagkilos kahapon ang ilang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nais pabagsakin ang administrasyong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -