Monday, April 29, 2024

Pagguho ng Chuzon Supermarket sa Pampanga iimbestigahan ng DPWH

- Advertisement -

Iimbestigahan ng DPWH ang dahilan ng pagguho ng Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kumukuha na sila ng sample at gagawa ng assessment kung ano ang naging sanhi ng pagguho ng naturang gusali.

Sinabi ni Villar na kailangang ma assess ang insidente dahil ang nasabing gusali lamang ang bumagsak sa lahat ng mga imprastruktura sa lugar.

Binigyang diin ni Villar na sakaling sa malambot na lupa tulad ng lahat itinayo ang Chuzon Supermarket, dapat aniyang ginamitan ng engineering solutions para gawin itong matatag kontra lindol.

Magugunitang Porac din ang napuruhan ng pag aalburuto ng Bulkang Pinatubo noong 1991.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -