Saturday, May 18, 2024

Paggawa ng mga paputok na may ‘kakatwang’ pangalan itinigil na

- Advertisement -

Itinigil na ng Association of Fireworks Manufacturers and Dealers ang paggawa ng malalakas na paputok na may ‘kakatwang’ mga pangalan.

Tinukoy ni Leah Alapide, Pangulo ng asosasyon ang mga paputok na tulad ng ‘Bin Laden’, ‘Goodbye Philippines’, ‘Goodbye Earth’, ‘Goodbye Bading’, ‘Hello Columbia’ at iba pa.

Kahit aniya ang labintador na karaniwan nang nabibili tuwing panahon ng Pasko ay hindi na mabibili sa kanilang mga miyembro.

Ayon kay Alapide, mula nang magpatupad ng mahigpit na panuntunan ang Pangulong Rodrigo Duterte laban sa paputok ay wala nang gumawa ng malalakas na paputok mula sa kanilang hanay.

Sa katunayan, nakahanda aniya ang mga miyembro ng kanilang grupo na ireport sa awtoridad kapag may napag-alaman silang gumagawa pa rin ng malalakas na klase ng paputok.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -