Monday, May 6, 2024

Paggamit sa P5-M Marawi rehab fund isyu ng technical malversation – Lacson

- Advertisement -

Isyu ng technical malversation ang paggamit sa P5-M pondo para sa Marawi rehabilitation para gastusan ang pilgrimage ng ilang residente ng Marawi sa Mecca, Saudi Arabia.

Reaksyon ito ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang Twitter account matapos idepensa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit sa pondo ng Marawi na pinuna ng Commission on Audit.

Ayon kay Lacson, ang paggamit sa pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi ay hindi usapin ng kung ano ang mahalaga sa pagitan ng relihiyon at bahay.

Ito anya ay technical malversation o paggamit sa pondo na hindi sa tunay na pinaglaanan nito.

Una nang binalaan ng Pangulong Duterte ang Commission on Audit na huwag gipitin si secretary Eduardo Del Rosario ng Task Force Marawi dahil posibleng magkaroon ng giyera kapag nakulong ito.

That five million is worth billions in terms of your kind generosity to finance the poor people na Muslim para makapag-hajj. Sabihin mo anong importante sayo, ‘yung bahay mo o ‘yung hajj? And he would readily say, sa hajj. All of you, you want peace Filipino, you want peace? Let us invest on peace,” pahayag ni Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img