Monday, May 6, 2024

Paggamit ng motorcycle barrier hindi na kailangan sa magka-angkas na magkasama sa iisang bahay —NTF

- Advertisement -

Pinapayagan na ng National Task Force for COVID-19 ang pag aangkas sa motorsiklo ng walang barrier o harang sa mga naninirahan sa iisang bahay, sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) simula ngayong araw, Agosto 19.

Gayunman, ang mga hindi naman nakatira sa iisang bahay ay kinakailangan paring magsuot ng inaprubahang bagpack na shield na dinisenyo naman ng ride hailing app na Angkas.

Nilinaw naman ng National Task Force na kinakailangang otorisado parin ang mga aangkas sa motorsiklo, habang ang driver naman ay papayagan kahit hindi authorized person outside of residence (APOR).

Bukod dito, kailangan rin umanong pribadong pag aari ng mga ito ang motorsiklo at hindi nirentahan.

Dapat rin anilang mayroong face mask at full face helmets ang mga magka-angkas habang bumabiyahe.

Samantala, binibigyan naman ng National Task Force ng otorisasyon ang mga local authorities kung magpapatupad ang mga ito ng kaparehong alituntunin batay narin sa kanilang lokal na sitwasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img