Paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo

0
9

Inaasahang mapapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya ng grupong Laban Konsyumer Incorporated, posibleng bumaba ng sampung sentimo ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang tataas naman ng pitumput limang sentimo ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Samantala, una nang nagpatupad ng tatlumpung sentimong rollback ang Cleanfuel sa kada litro ng kanilang auto LPG epektibo kahapon.

Ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng paggalaw naman ng presyo ng imported na langis sa pandaigdigang merkado.