Pagdiriwang ng ‘lingo ng palaspas’ sa bahay na lamang isagawa — CBCP

0
19

Hinihimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na ipagdiwang nalamang ang nalalapit na linggo ng palaspas sa kanilang mga tahanan.

Ayon kay CBCP Spokesperson Fr. Jerome Secillano, makinig na lamang ang mga Katoliko sa misa at tumanggap ng basbas sa pamamagitan ng facebook live.

Aniya, kung may mapagkukuhanan ang publiko ng palaspas ay maaari nila itong itaas kapag nagbabasbas na ang pari.

Kung wala namang palaspas ay okay lang dahil mas mahalaga ang makinig sa misa.

Samantala, mag-iikot naman ang mga pari sa kanilang mga congregation sa Huwebes-Santo para sa pagpapabasbas imbis na magkaroon ng Bisita Iglesia.

Pinapaalalahanan naman ni Fr. Secillano ang mga Katoliko na ang importante sa mahal na araw ay ang paggawa ng kabutihan sa kapwa.