35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Malaysia humingi ng paunmahin ukol sa inilabas na campaign posters ukol sa COVID-19

- Advertisement -

Humingi ng paumanhin ang bansang Malaysia, matapos na umani ng pagbatikos ang kanilang ipinalabas na campaign posters na may kaugnayan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nakapaloob kasi sa mga posters ang nag-aatas sa mga kababaihan na magsalita na parang cartoon cat voice at iwasan ang pagiging “nagger” o bungangera sakanilang mga asawa sa kasagsagan ng coronavirus lockdown.

Ayon sa Malaysian advocacy group na All Women’s Action Society, ang naturang posters ay nagpo-promote ng konsepto ng gender inequality at patriarchy.

Dahil dito, humingi ng paumanhin ang Malaysian Ministry’s Women Development Department, sa pagpapalabas ng hindi kanais-nais na kampanya laban sa COVID-19 sa kanilang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -