Pagde-deploy ng mga sundalong hindi naka uniporme sa Quezon ikinokonsidera ni Duterte

0
15

Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag de deploy ng mga sundalong naka–plain clothes o hindi naka uniporme sa Quezon.

Kasunod ito ng napabalitang presensiya ng serial rapist sa probinsya.

Ayon sa Pangulo, kung hindi mareresolba ng PNP ang sitwasyon duon ay hindi siya magdadalawang isip na magdeploy ng mga sundalo sa lugar.

Inutusan ni Duterte ang PNP na profile ang mga posibleng serial rapist na umatake sa probinsya.

Habang pinakikilos naman ng Pangulo ang Department of Social Welfare and Development para i monitor ang aktibidad ng mga kababaihan.