Friday, May 3, 2024

Pagdami ng pinoy nagpopositibo sa COVID-19 kaya pang kontrolin —DOH

- Advertisement -

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na kaya pang kontrolin ang patuloy na pagdami ng Pilipinong nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa naman umaabot ang bansa sa sitwasyon na dinaranas ngayon ng ibang bansa gaya na lamang ng Italy, Iran at Amerika.

Aniya, ito rin ang dahilan kung kaya’t dapat na mas mapalawig pa ang pagsusuri para sa COVID-19.

Iginiit pa ni Duque, posibleng kalahati pa lamang ng kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 ang naitatala dahil sa limitadong testing capacity ng mga laboratoryo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img