Saturday, May 4, 2024

Pagdalo ng Pangulo sa APEC naging produktibo—Malacañang

- Advertisement -

Naging makabuluhan at produktibo ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Papua New Guinea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kabilang sa mga dinaluhan ng Pangulo ang dialogue kasama ang APEC Business Advisory Council kung saan iginiit nito kahalagahan ng malaya at patas na kalakalan na kumikilala sa soberanya ng isang bansa.

Gayundin ang pulong sa mga lider ng Pacific Island Forum at diyalogo sa International Monetary Fund.

Dagdag ni Panelo, aktibo ring nakilahok si Pangulong Duterte sa mga mahahalagang diskusyon sa lahat ng mga world leaders kabilang na ang mga kaibigan at kaalyadong bansa ng APEC.

Isinulong din aniya ng Pangulo sa mga pagpupulong sa APEC ang mga prayoridad ng Pilipinas.

Bukod dito, sinabi ni Panelo na nagkaroon din ng pagkakataon si Pangulong Duterte na makipag-ugnayan sa mahigit apatnapung libong (40,000) Filipino na naninirahan at nagtatrabaho sa Papua New Guinea.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img