Pagcor: IATF dapat ikunsidera na payagan ang work from home arrangement sa POGO

0
12

Dapat ikunsidera ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang work from home arrangement sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon ito kay Pagcor  Chairperson Andrea Domingo.

Sa ganito anyang paraan, mababalik ang kahit na 50% hanggang 60% ng kanilang kita na pwedeng itulong sa mamamayan.

Sinabi ni Domingo na ang operasyon ng POGO ay kahalintulad rin ng sa bpo na pinapayagan ng pamahalaan na mag work from home.

Umaasa rin si Domingo na ikunsidera ng IATF na payagang magpatuloy ang junkets o yung mga bumibiyahe sa bansa para lamang maglaro sa casino.

Maaari naman anyang ipatupad ang social distancing dahil dalawang high rollers lamang naman para sa isang lamesa.