Pagbuo ng Yuletide Social Assistance Program ipinag-utos ni Duterte

0
20

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng social assistance program para sa mga opisyal at empleyado ng barangay tuwing kapaskuhan.

Alinsunod ito sa ipinalabas na Executive Order 99 ni Pangulong Duterte noong Disyembre 6 na gumawa ng yuletide assistance program sa pamamagitan ng ordinansa na maipasa ng lokal na pamahalaan.

Inatasan ni pangulo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Budget and Management (DBM) na magpalabas ng guidelines, specific criteria at parameters para matukoy ang mga kwalipikadong mga manggagawa sa barangay para sa programa.

Ang magiging gastos sa naturang program ay iaawas sa pondo ng barangay.