28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Pagbuo ng umano’y ‘Duterte Death Squad’ laban sa NPA labag sa IHL — CHR

- Advertisement -

Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) na labag sa International Humanitarian Law (IHL) ang pagbuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kaniyang sariling armadong unit laban sa New People’s Army (NPA).

Ayon kay CHR chairman Jose Luis Martin Gascon, nakasaad sa ilalim ng IHL na ang pinapayagan lamang aniya na makipaglaban sa mga tinaguriang enemy of the state ay ang mga law enforcement agencies at militar.

Dagdag pa ni Gascon, obligasyon ng gobyerno na protektahan ang mga mamamayan mula sa banta ng terorismo ngunit dapat ay alinsunod ito sa “due process of law.”

Ang pagtatanggol umano sa mga tao ay dapat na naayon sa saligang batas ng Pilipinas at prinsipyo ng IHL.

Matatandaang, sinabi ng pangulo na ipantatapat niya ang kaniyang “Duterte Death Squad” sa sparrow unit ng NPA, kung saan bubuuin aniya ito ng mga sibilyan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -