30.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Pagbuo ng Taal Commission hindi na kailangan—Gordon, Lacson

- Advertisement -

Hindi na kailangan pang bumalangkas ng batas para pangasiwaan ang pag-hahatid ng tulong sa mga na-apektuhan nang pag-aalburuto ng bulkang Taal.

Ito ang binigyang diin ni Senator Richard Gordon kaugnay nang isinusulong ni Senate Pro-tempore Ralph Recto na dapat bumuo ng isang komisyon o task force na mangangasiwa saTaal volcano eruption and rehabilitation.

Ayon kay Gordon, hindi naman kailangan ng batas para sa bawat kalamidad na tatama sa bansa dahil ang kailangan lamang ay ang maayos at tamang pag-gastos ng pondo ng gobyerno para sa agarang pag-tulong at pag-bangon ng mga naapektuhan ng kalamidad.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senator Panfilo Ping Lacson na hindi na kailangan pang bumuo ng komisyon o task force sa tuwing may kalamidad bagkus ay kailangan lamang mag talaga ng umiiral ng ahensiya na permanenteng tututok sa panahon ng kalamidad.

With all due respect, alam mo naman ginagalang naman natin si Senator Recto, pagdating sa ganyan ang laki ng contribution niya sa legislation. Pero sa akin lang, huwag na yong pa-Commission tayo, pa-Task-force tyo, pa-Council tayo, kasi yong NDRRMC is a council. Well, I can understand where he’s coming from kasi most affected, ang talagang devastation ay sa Batangas—ani Sen. Lacson sa panayam ng Usapang Senado.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -