Pagbubukas ng klase sa Agosto 24 aprubado ng IATF —Spox

0
10

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Ayon  kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang basic education ay nakatakdang magsimula sa Agosto 24 ng kasalukuyang taon at magtatapos sa Abril 30, 2021.

Aniya, maaaring namang mas maaga magbukas ng klase ang mga pribadong paaralan ngunit ipagpapaliban hanggang Agosto 24 ang ‘face-to-face leraning’.

Bukod aniya sa face-to-face learning ay maaari ring ikonsidera ang distance learning at home schooling.

Gayunman, nilinaw naman ni Roque na hindi muna papayagan ang pagsasagawa ng mga extra-curricular activities sa mga eskwelahan gaya ng school sports, campus journalism, job-fair events, at iba pa upang maiwasan ang pagkukumpulan ng mga estudyante bilang pag iingat sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).