Thursday, May 9, 2024

Pagbibitiw ni Piñol tila ikinatuwa – SINAG

- Advertisement -

Tila ikinatuwa ng Samahan ng Industriya ng Magsasaka (SINAG) ang pagbibitiw sa posisyon ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Pinuna ni Rosendo So ng SINAG ang kabiguan ni Piñol na ipatupad ang mga nararapat na hakbang para huwag makapasok sa bansa ang mga karne ng baboy na posibleng kontamindo ng african swine flu.

Sa katunayan, si Piñol pa anya ang may gusto na magkaroon ng blackout sa isyu ng african swine flu.

Ayon kay So, dapat ay napagtanto ni Piñol na hindi lamang ang 258-million hog industry ang tatamaan kung kakalat sa bansa ang african swine flu kundi maging ang industry ng mais kung saan 65% ang napupunta sa hog industry bilang feeds.

Una rito, nagsumite na ng kanyang courtesy resignation si Piñol at nagpahiwatig ng kagustuhang mailipat sa Mindanao Development Authority.

Balitang Todong Lakas Interview

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img