Pagbibitiw ni Piñol hindi tinanggap ni Duterte

0
54

Hindi tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Senator elect Bong Go ang paghahain na ng courtesy resignation ng kalihim.

Ayon kay Pangulong Duterte, plano niyang italaga si Piñol bilang pinuno ng Mindanao Development Authority (MinDA) pero wala pa siyang pinal na desisyon.

Aniya, kailangan niya ang tulong ng isang katulad ni Piñol para sa pangangasiwa ng bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Itinanggi rin ng pangulo ang ulat na hindi na umano siya kuntento sa serbisyo ni Piñol habang binigyang diin pa nito na isa pa ring cabinet position ang pagiging pinuno ng MinDA.