Pagbibilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Wuhan City, China may pagkakamali

0
11

Nadagdagan ng 50% ang kabuuang bilang ng naitalang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Wuhan City sa China, ang tinukoy na pinagmulan ng virus.

Batay sa ipinalabas na official statement ng mga awtoridad sa Wuhan, umaabot na sa tatlong libo walong daan at animnaput siyam ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa nabanggit na lungsod sa China.

Anila, nagkaroon ng pagkakamali sa reporting o hindi agad naitala ang mga nadagdagan na bilang ng mga nasawing pasyente.

Ang pagbabago sa bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Wuhan City ay kasunod ng pagdududa ng iba’t ibang mga lider sa buong mundo hinggil sa hindi pagbibigay ng tamang impormasyon ng china sa kabuuang naging epekto ng virus sa kanilang bansa.