P30-B na-reallocated funds mula sa Build, Build, Build para sa COVID-19 hindi pa nagagalaw —Villar

0
15

Hindi pa nagagalaw ang nasa P30-B mula sa build, build, build program na inilipat para mailaan bilang karagdagang budget ng pamahalaan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang ginagawang paglilinaw ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa naging pagharao nito sa laging handa public briefing.

Ayon kay Villar, inihahanda pa lamang nila ang nabanggit na pondo sakaling kailanganin na ito.

Aniya, nagsasagawa sila ng pagtukoy sa mga proyektong hindi gaanong prayoridad ng pamahalaan.

Sa kabila naman nito, tiniyak ni Villar na hindi maaantala ang mga flagship projects sa ilalim ng Build, Build, Build program at agad na iaarangkada ito matapos ang quarantine para makahabol sa target ng ahensiya ngayong taon.