Pagbibigay benepisyo sa PhilHealth mas mapabubuti na ngayon — Roque

0
16

Tiwala ang Malakaniyang na higit na mapapabuti ang pagbibigay benepisyo sa mga miyembro ng PhilHealth.

Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay kasunod ng desisyon ng Ombudsman na suspendihin ng anim na buwan ang 13 PhilHealth officials .

Sinabi ni Roque na tiyak na mapupunta na sa kaban ng PhilHealth ang pondo at hindi na sa bulsa ng mga tiwaling opisyal.

Malaki pa rin aniya ang pag asang maayos na maipatupad ang Universal Health Care na una na niyang isinulong dahil marami pa namang matitino sa PhilHealth maliban sa nabunyag na mafia sa ahensya.