Dapat nang itigil ng Pilipinas ang ‘visa-free policy’ nito sa mga dayuhan.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., hindi makatarungan ang polisiyang ito ng Pilipinas dahil kontrolado dapat ng bawat bansa ang kanilang teritoryo.
Aniya, posible kasing pag-ugatan ng iba’t-ibang krimen ang nabanggit na polisiya lalo na’t malayang-malaya lamang makapapasok ang mga dayuhan sa bansa.
Kaugnay nito, minaliit lamang ni Locsin ang sinasabing U.S. Resolution na nilagdaan ni President Donald Trump na nagba-ban sa lahat ng may kinalaman sa pagkakakulong ni Sen. Leila De Lima.
Sinabi ni Locsin na hindi naman kasi nabanggit si De lima o ang anumang travel ban sa nilagdaang U.S. Appropriations act.