Pagbansag sa Pilipinas bilang ‘Land of COVID-19′, kompetisyon sa turismo ang posibleng dahilan — Roque

0
48

Kompetisyon sa turismo ang posibleng dahilan kaya’t binansagan ng isang pahayagan sa Thailand ang Pilipinas na “Land of coronavirus disease 2019 (COVID-19)”.

Ito ang naging reaksyon ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque matapos na bansagang ‘Land of COVID-19′ ng Thai Rath Newspaper ang Pilipinas sa kanilang inilibas na headline.

Sinabi ni Roque, magka-kompetensiya kasi ang Pilipinas at Thailand pagdating sa sektor ng turismo kung saan malaki aniya ang naging epekto sa parehong bansa matapos nitong magpatupad ng travel ban para makontrol ang kaso ng COVID-19.