30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Hindi rehistradong dialysis center na nakatanggap ng milyon-milyong pera mula sa PhilHealth aalamin — Lacson

- Advertisement -

Magpapasaklolo sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang Senado para tugisin ang may-ari ng dialysis center na nakatanggap ng P45 milyon sa PhilHealth sa pamamagitan ng interim reimbursement mechanism (IRM).

Ayon kay Senador Panfilo Lacson ang B. Braun Avitum Philippines, Incorporated sa Benguet ang siya ring pangalan ng healthcare institution sa bank transaction nang magkamali ang PhilHealth sa pagdeposito ng P9.7 million sa Balanga Rural Bank noong 2009.

Subalit sinabi ni Lacson na ang dialysis center na sinasabing paborito o inuuna ng PhilHealth sa listahan na bigyan ng IRM funds ay hindi nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Dapat aniyang makuha nila sa AMLC ang mga detalye ng nasabing bank account kahit pa sa isang executive session para matukoy kung sino ang nagbukas nito.

Magugunitang sa pagdinig ng Senado noong Martes inihayag ni dating PhilHealth Legal Counsel at whistleblower Atty. Thorrsson Montes Keith na si PhilHealth Senior Vice President Rodolfo Del Rosario ang may-ari ng B. Braun na itinanggi naman nito. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -