Pagbalik operasyon ng POGO sa ilalim ng GCQ hindi pa tiyak —Spox

0
27

Wala pang pinal na desisyon kung maari nang mag balik operasyon ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa mga lugar na isasailalim na lamang sa general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, batay kasi sa inilabas na desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF), nakasaad na hindi pa rin maaring mag balik operasyon ang mga amusement at leisure sectors kahit na GCQ na lamang ang ipinatutupad sa lugar na nakasasakop sa mga ito.

Gayunman, sinabi naman ni Roque na ang mga business process outsourcing (BPO) ay puwede nang magbukas sa mga lugar na GCQ na lamang ang ipinatutupad.

Paliwanag ni Roque, para lang naman kasing BPO ang mga POGO.

Samantala, sinabi naman ni Roque na kung sakali man payagang magbalik operasyon ang mga POGO ay ito lamang ay para sa revenue na maibibigay nito sa bansa, lalo na’t kailangan ngayon ng Pilipinas ng pondo para malabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).