37.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Pagbalik ng Chinese survey ship sa PH EEZ walang dapat ipangamba — DND sec

- Advertisement -

Walang dapat ipangamba ang publiko bunsod ng pagbalik ng Chinese survey ship sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Ito, ayon mismo kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, kung saan tiniyak nito na walang dapat ikaalarma ang publiko at mga otoridad dahil hindi naman magtatagal sa lugar ang naturang barko ng China.

Paliwanag ni Lorenzana, personal niyang nakitaa ng satellite image ng Zhang Jian at karamihan aniya ng kuha nito ay nasa labas ng EZ ng pilipinas.

Dagdag pa ni Lorenzana, wala namang masama sa paminsan-minsang pagdaan ng mga Chinese survey ships sa karagatang bahagi ng Pilipinas basta’t hindi ito magtatagal sa teritoryo ng bansa.

Una rito, kinuwestiyon ni Lorenzana ang pagdaan ng ilang Chinese warships sa karagatang bahagi ng bansa.

Matatandaang kamakailan lamang ng ipagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdaan ng mga foreign vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas ng walang permiso mula sa gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -