Pagbagal ng inflation rate posibleng magtuloy tuloy

0
61

Posibleng mag tuloy-tuloy ang pagbagal ng inflation rate o ang pag-galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ito ay batay sa ulat ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan nakasaad na posibleng pumalo sa 2.7 hanggang 3.5 percent range ang inflation rate nitong buwan ng Abril.

Ayon sa DER o Department of Economic Research, ito ay dahil sa pagbaba ng presyo ng bigas at pagsigla ng halaga ng piso kontra dolyar.

Kaugnay nito, nilinaw rin naman ng DER na posible pang magbago ang inflation rate na ito, dahil na rin sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pag taas ng singil sa kuryente nitong Abril.

Samantala, nakatakda namang ilabas ng PSA o Philippine Statistics Authority sa susunod na linggo ang opisyal na datos ng inflation rate para sa nakalipas na buwan.