Pagbaba ng presyo ng bigas mararamdaman ng publiko bago matapos ang taon

0
47

Posibleng sa pagtatapos pa ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte maramdaman ng mga Pilipino ang pagbaba sa presyo ng bigas.

Iyan ang inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol pagkatapos nilang ibaba ang quantitative restrictions ng ipinapataw na taripa sa bigas.

Ayon sa kalihim, kinakailangan kasing gumastos ng hanggang sa 20-bilyong piso ng pamahalaan upang maipatupad ang mga interventions o maaaring makatulong sa mga magsasaka ng palay kung hangad nitong pababain sa 7.00 ang kada kilo nito.

Una nang inihayag ng Finance Department na posibleng sa Disyembre pa bumaba ang presyo ng bigas kung papalitan ang import quota sa 35% taripa.