Pag-ulan bigong madagdagan ang water level sa Angat Dam

0
50

Bigo ang mga pag-ulan sa nakalipas na magdamag para madagdagan ang tubig sa Angat Dam.

Sa katunayan, nabatid na alas-6 kaninang umaga ay nasa 156.77meters ang water level ng Angat Dam, kumpara sa 159.09meters na water level nito, kahapon.

Nabawasan din ang water level sa Ipo Dam na ngayo’y nasa 99.67meters na lamang gayundin ang water level sa San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.

Samantala, nadagdagan naman ang water level sa La Mesa Dam na nasa 69.20meters.

Bahagyang nadagdagan din ang tubig sa Ambuklao at Binga Dams.