34.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Pag review sa kontrata ng mga negosyante sa pamahalaan walang dapat ikatakot

- Advertisement -

Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng mga negosyante sakaling ipa-review ang kanilang mga kontrata sa pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iginagalang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pinapasok na kontrata ng pamahalaan.

Wala anyang dapat ikatakot ang mga negosyante, dayuhan man o mga pilipino kung isalang sa review ang kanilang kontrata kung alam nilang wala namang mali o illegal sa mga probisyon nito.

Una rito, mismong si Panelo ang nanawagan na dapat i-review rin ang lease agreement sa pagitan ng Ayala Land, Inc at University of the Philippines kaugnay ng UP Ayala Land Technohub sa Quezon City.

Matatandaan na may mga nakitang mali ang administrasyon sa concession agreement ng pamahalaan sa Manila Water at Maynilad Water Services kayat pinalitan ito binantaang tatanggalin bilang water concessionaires.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -