34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Pag-iisyu ng terminal ID passes para sa Boracay workers sinimulan na

- Advertisement -

Sinimulan na ng mga awtoridad ang pag-iisyu ng terminal ID passes para sa Boracay workers kasabay nang papalapit na soft opening nito sa October 26.

Ipinabatid ni Jean Pontero, Special Operations Officer 3 ng Caticlan Jetty Port na may kaukulang requirements at dokumentong kailangan bago mabigyan ng naturang passes batay na rin sa bagong panuntunan ng daungan.

Nilinaw ni Pontero na hindi pa kailangang mag renew ng mga naunang nakakuha ng ID noong April dahil sa Disyembree pa ang expiration nito samantalang hanggang sa susunod na taon naman ang validity ng mga kukuha ngayon.

Hindi naman aniya matagal ang proseso sa pagkuha ng ID pass dahil tatlo hanggang limang araw lamang ang hihintayin depende sa ipapasang requirements.

Sinabi ni Pontero na nakipag-ugnayan na sila sa Public Employment Service Office para maberipika kung rehistrado sa kanila ang mga empleyadong mag-aapply pa lamang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -