Pag apruba ng Kamara para sa pagpapaliban ng brgy at SK elections ‘di na ikinagulat ng COMELEC

0
18

Hindi na nagulat ang Commission on Elections o COMELEC sa pag apruba ng Kamara hinggil sa pagpapaliban ng 2020 barangay at sanggunian kabataan elections.

Sa katunayan, inamin ni COMELEC Spokesman James Jimenez na hindi nila minadali ang paghahanda sa nasabing eleksyon.

Dahil dito, ipinabatid ni Jimenez na pagtutuunan nila ng pansin ang proseso ng muling pagsisimula ng voter registration at paghahandaan na rin nila ang 2022 national and local elections.

Una nang inaprubahan ng Kamara na ang pagdaraos ng brgy at SK elections ay gagawin na sa December 5, 2022.