Pag-aaral sa coconut oil bilang panlaban sa COVID-19 suportado ng DOST

0
37

Suportado ng Dept. of Science and Technology (DOST) ang pag-aaral sa bisa ng coconut oil laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DOST, nais nila na matukoy ang bisa ng langis ng niyog laban sa COVID-19 habang patuloy pa ring bumubuo ang iba’t-ibang mga bansa ng bakuna laban sa virus.

Sinabi ni DOST Sec. Fortunato Dela Pena na nais na pag-aralan ng kagawaran ang inilabas na report ng doctor dayrit na nagsasabing nagtataglay ng “strong anti-viral properties” ang coconut oil.