Wagi si Senador Manny Pacquiao sa kasong isinampa laban sa kaniya ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa Court of Tax Appeals kaugnay sa umano’y 3.3 billion pesos na underpaid tax ng Pambansang Kamao.
Ipinag-utos ng First Division ng Tax Court sa BIR na itigil ang paniningil kay Pacman at sa misis nitong si Jinky ng multi-billion tax deficiency para sa mga taong 2008 at 2009 habang dinidinig pa ang civil case na isinampa laban sa mag-asawang Pacquiao.
Sa resolusyong ipinalabas ng First Division ng CTA, dapat itigil na ng BIR sa ilalim ng final decision on disputed assessment ang paniningil kina Pacquiao dahil sa kakulangan ng merito ng reklamong isinampa ng BIR.
Ipinag-utos din ng CTA ang pagkansela sa warrants of distraint para sa naunang pahayag ng BIR na tax liability ni Pacman na 2.2 billion pesos na umakyat pa sa 3.3 billion dahil sa mga ipinataw na penalties at surcharges ng BIR.
—-