35 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Pacquiao wagi kontra Lucas Matthysse via TKO sa Round 7

- Advertisement -

Wagi si Senador Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tuluyang napasuko ni Pacman si Matthysse sa nalalabing .19 seconds ng Round 7 ng kanilang bakbakan na tumagal lamang ng halos isang oras.

Dahil dito, napasakamay ni Pacman ang WBA welterweight championship belt.

Sinasabing ang naturang laban ay itinuturing na make or break para sa tinaguriang Pambansang Kamao.

Sinabi rin ni Pacman na na-sorpresa siya dahil malakas na boksingero si Matthysse subalit nagapi niya ito.

Pinasalamatan ni Pacman ang lahat ng mga sumusuporta sa kanila lalo na ang Team Pacquiao na nakasama niya sa buong paghahanda sa nasabing laban.


- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -