PACC iimbestigahan kung may bahid ng kurapsyon ang GCTA

0
41

Nagkasa na ng imbestigasyon ang PACC o Presidential Anti Corruption Commission hinggil sa paglaya ng halos dalawang libong inmates sa ilalim ng GCTA o Good Conduct Time Allowance.

Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, nais matiyak ng PACC na ang mga presong nakinabang sa GCTA ay hindi sangkot sa anumang Heinous Crimes, at nakabatay ito sa Good-Conduct Based Reductions.

Paliwanag ni Luna, nais lamang mabusisi ng kanilang ahensiya na dumaan sa tamang proseso ang pagpapalaya sa naturang mga preso lalo na’t naging kontrobersiyal ang napipintong paglaya ni dating Calauan Mayor at Convicted Rapis, Murderer na si Antonio Sanchez.

Kauganay nito, una namang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat muling ibalik sa kulungan ang mga inmates na napalaya ng GCTA na nahaharap sa heinous crimes.