31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

PACC Commissioner ipinasisibak ni Labor Secretary Bello

- Advertisement -

Ipinasisibak ni Labor Secretary Silvestre Bello III si Commissioner Manuelito Luna ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.

Sa harap ito ng pagsasapubliko ni Luna sa pangalan ng mga cabinet secretaries na iniimbestigahan ng PACC dahil sa katiwalian kung saan kasama si Bello.

Ayon kay Bello, blangko siya sa anumang imbestigasyon ng katiwalian laban sa kanya dahil hindi naman siya sinabihan o pinadalhan ng abiso man lang ng PACC.

Labag rin aniya sa executive order na bumuo ng PACC ang ginawang pagsasapubliko ni Luna sa mga pangalan ng kanilang iniimbestigahan.

Sinabi ni Bello na malinaw sa EO No. 43 na dapat ay discreet o hindi hayagan ang gagawing imbestigasyon ng PACC.

Tinawag ring walang delikadesa ni Bello si Luna dahil sa pagtanggap ng posisyon sa Duterte administration gayung siya mismo ang naghain ng disqualification case noon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -