28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pabahay Sa Barangay Ng Davao Occidental, Inilunsad

- Advertisement -

Davao Occidental – Nagkaroon ng Community Pabahay Sa Barangay (CPB) Shelter Program na may temang “Balay Aron Pamilya Mahamugaway” sa probinsya ng Davao Occidental na ginanap sa Brgy. Mana, Malita at Brgy. Ogpao, Sta. Maria parehong bayan ng nasabing probinsya nitong ika-5 ng Disyembre 2020.

Magkasunod na idinaos ang paglunsad at ground breaking ceremony ng nasabing programa. Ang pagpili sa mga mabibenepisyuhan ay dumaan sa pagsusuri at tiniyak na sila ay karapat-dapat na makatanggap ng pabahay.

Magkakaroon ng bayanihan sa naturang programa kung saan magtutulungan ang kasundaluhan, mga nagboluntaryong empleyado ng iba’t ibang ahensya at ng komunidad upang mapatayo ang mga bahay.

Sa panayam kay Gov. Claude P. Bautista, kanyang binigyang-pansin ang halaga ng mga punong barangay.

“Magtinabangay kita aron makuha gikan sa kawad-on ang Davao Occidental.  Nahibal-an nimo ang imong mga tawo.  Ania ra ako aron pagsuporta kanimo. Suportahan ako sa akong mga programa, suportahan ko usab ikaw,” kanyang sabi.

Nabanggit din ng gobernador na panahon na upang itigil ang karahasan sa kabundukan na siyang nagpapahirap sa mamamayan ng Occidental.

Bilang tugon, nabanggit din ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, ang kanyang pasasalamat sa butihing gobernador.

“Sa panahon ngayon, ang mga programa ang magpapatatag sa kapayapaan na mayroon ang lugar. Ito ang solusyon sa kahirapan hindi ang pagsanib sa armadong kilusan,” matalinghagang-banggit ng pinuno.

Sa susunod na linggo ay sisimulan na din ang Shelter Program sa bayan ng Don Marcelino at Jose Abad Santos upang palawakin ang programa at magsilbing handog para sa mga mamamayan sa darating na pasko.

(Source: DPAO 10th ID | CMO 73rd IB)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -