Paaralan, simbahan sa New Rochelle City isasara muna —New York gov’t

0
21

Isasara sa loob ng dalawang linggo ng New York government ang lahat ng paaralan, simbahan at iba pang mga pampublikong lugar sa New Rochelle City.

Ito ang kinumpirma ni Governor Andrew Cuomo matapos ang 2019 coronavirus disease (COVID-19) outbreak sa nasabing lugar.

Magsisimula umano ang pagsasara sa mga gusali bukas, March 12 hanggang March 25.

Layon umano ng shutdown na ito na maiwasan pa ang pagkalat ng COVID-19.