Paaralan, pampublikong pasilidad sa Ireland isasara —PM

0
33

Ipinasasara ang mga paaralan at ilang pampublikong pasilidad sa Ireland.

Ipinabatid ni Prime Minister Leo Varadkar na magsisimula ang closure simula ngayong araw, March 13 hanggang sa March 29.

Ang hakbang ay kasunod na rin nang naitalang kauna-unahang pagkamatay ng isang nadapuan ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Kakanselahin din ang indoor mass gatherings na dadaluhan ng mahigit 100 katao gayundin ang outdoor gathering na dadaluhan ng 500 katao.