31.9 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Paano maiiwasan ang pagkalat ng Coronavirus?

- Advertisement -

Nagpalabas ng mga paalala ang Department of Health (DOH) sa publiko para makaiwas sa Coronavirus.

Ipinabatid ng DOH na ang Coronavirus ay kapamilya ng mga virus na nagdadala ng mga sakit mula sa karaniwan lamang na ubo at sipon hanggang sa mas malulubhang impeksyon.

Sa mga malulubhang kaso, ang Coronavirus ay maaaring magdulot ng:

  • Pneumonia,
  • Acute Respiratory Syndrome,
  • problema sa bato, at
  • maaaring ikamatay.

Kabilang sa mga sintomas ng sakit ay:

  • pagbagal o pag-iksi ng paghinga,
  • lagnat,
  • respiratory symptoms,
  • ubo at sipon, at
  • hirap sa paghinga.

Para makaiwas sa mga sakit dulot ng Coronavirus, pinayuhan ng DOH ang publiko na:

  • ugaliing maghugas ng kamay,
  • iwasan ang contact sa mga hayop,
  • lumayo at takpan ang bibig at ilong tuwing uubo at babahing,
  • umiwas sa mga taong may sintomas ng ubo at sipon,
  • uminom ng maraming tubig at siguraduhing luto ang mga pagkain, at
  • agarang kumonsulta sa health facility kung mayroong sintomas ng ubo at sipon lalo na kung bumiyahe sa Wuhan City sa China.
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -