34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

P81M halaga ng iligal na droga nasabat sa Pasay at Parañaque City

- Advertisement -

Nasabat ng mga awtoridad ang umaabot sa P81M halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Pasay at Parañaque City.

Batay sa ulat, unang nakumpiska ng pulisya ang nasa 10 kilo ng shabu sa isang lalaki at babaeng suspek na nasa harapan ng isang bus terminal sa malibay Pasay City.

Nakasilid sa mga chinese tea bags ang tinatayang P68M halaga ng mga nabanggit na iligal na droga.

Habang narekober naman ng pulisya ang nasa P13.6M halaga ng shabu sa conduminium unit ng babaeng suspek sa Parañaque City.

Tumitimbang naman ang mga ito ng 2 kilo.

Samantala patuloy namang iniimbestigahan ng PNP–Drug Enforcement Group ang pagkaka-ugnay ng mga nakumpiskang droga sa 2 operasyon at kung nagmula ang mga ito sa iisang supplier o sindikato.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -