29.7 C
Manila
Friday, April 26, 2024

P8-M gagamitin sa block 3 at 4 para sa renovation na nasunogan sa Baguio Public market approbado ng Sangguniang Panlungsod

- Advertisement -

(Baguio City) Pinayagan na ng Sangguniang Panlungsod sa ginanap na special session noong araw ng Miyerkules Marso 16, 2023 ang pagpapalabas ng walong milyon pisong a pondo mula sa budget ng City Disaster Risk Reduction and Management ng lokal na gobierno para sa pagsasaayos ng nasunog na Block 3 ken Block 4 sa pamihilang bayan ng lungsod ng Baguio.

Ito ay matapos binigyan ng go signal ng Local Finance Committee ang pagkakaroon ng nasabing pondo. Maliban sa pagpayag nito, kasama dito ang paggamit ng ilang bahagi ng mga kalsada bilang pansamantalang pagtitindahan ng mga apektadong magtitinda habang ang dating nilang mga puwesto ay inaayos sa Blocks 3 at 4.

Magkaganon man, tiniyak sa mga apektadong vendors na babalik sila sa dati nilang puwesto sa sandaling matapos ang pagsasaayos ito.

Hiniling ng executive committee na pansamantalang gagamitin ng mga nasunugang manininda ang bahagi ng Hilltop at Kayang St., Sa pagkakataon na kulang ang nasabing lugar para sa 1,640 na manininda ay maari silang tanggapin sa Malcolm Square at Igorot Park. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

(Photo Credit to PIO Baguio City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -