Magkakaroon na ng malinis at tuluy-tuloy na suplay na tubig ang mga residente sa Marawi City bago matapos ang 2019.
Ayon kay Department of Interior and Local Government o DILG Officer in Charge Secretary Eduardo Año, nasa mahigit dalawang libong (2,000) mga bahay ang makikinabang sa water project system na pinagkagastusan ng mahigit 76 na milyong piso.
Kabilang sa mga prayoridad ng Salintubig Project ay ang mga barangay ng Sagonsongan, Mipaga, Emie Punod, Basak Malutlut, East Basak, Poblacion at Moriatao Loksadato.
Sinabi pa ni Año, na tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang rehabilitasyon ng pamahalaan sa lungsod para sa mabilis na pagbangon nito matapos ang pag-atake ng Maute – ISIS group.
—-