P5-K cash gift at Christmas bonus makukuha na ng mga govt workers simula ngayong araw

0
15

Matatangap na ng mga kawani ng pamahalaan ang kanilang P5,000 cash gift at 14th month pay o Christmas bonus simula ngayong araw, Nobyembre 15.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, umaabot sa halos P30-bilyon ang ipalalabas na pondo para sa Christmas bonus ng mga civilian personal at P6.5-bilyon naman sa military and uniformed personnel.

Habang umaabot naman sa P5.6- bilyon ang pondo para sa cash gift ng mga civilian personnel at P1.7-bilyon sa mga uniformed personnel.

Kabilang sa mga makatatanggap ng cash gift ang mga pumasok sa serbisyo sa gobyerno mula Oktubre 31 ng kasalukuyang taon.

Habang kuwalipikado naman sa 14th month pay ang mga may mahigit apat na buwang serbisyo na sa pamahalaan mula Enero hanggang Oktubre 2019.