P300-B ipinalabas ng BSP para magamit ng gobyerno vs. COVID-19

0
18

Ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang karagdagang P300-B, para magamit ng pamahalaan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay BSP National Treasurer Rosalia De Leon, ito ang pinaka epektibong paraan upang mabigyan ng extra life-line ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno sa paglaban sa pandemic.

Ipinabatid naman ni BSP Governor Benjamin Diokno na tuloy-tuloy ang kanilang pagsuporta sa paglaban ng pamahalaan sa COVID-19.