P2.6-M multa para sa mga ‘di magsusuot ng facemask sa Qatar ipinatupad

0
17

Nagpatupad ng matinding parusa ang Qatar sa mga hindi magsusuot ng facemask sa labas ng kanilang bahay.

Sa anunsyo ng Interior Ministry Office ng Qatar, ang mga lalabag sa mandatory na pagsusuot ng facemask ay magmumulta ng 200,000 riyals o katumbas ng P2.6-milyon.

May kasama rin itong kulong na aabot hanggang tatlong taon.

Nasa mahigit 28,000 na ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Qatar.