P17M halaga ng ayuda ipinadala ng DSWD at DOH sa mga naapektuhan ng Taal

0
12

Aabot sa P17M halaga ng ayuda ang ipinadala ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Dept. of Health sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Taal sa Batangas.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 22,000 pamilya o katumbas ng 90,000 indibidwal ang apektado mula sa lalawigan ng Batangas, Laguna at Cavite.

Sa nasabing bilang, 70,000 pamilya ang nanatili sa 300 evacuation centers.

Kasabay nito, nagkasa rin naman ng clearing operations ang Dept. of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar at kalsada na binalot ng makapal na abo bunsod ng aktibidad sa Taal volcano.